Ang aking istorya ay magsisimula noong:
Pebrero 23, 2008 – 10:30 ng umaga nagpunta kami sa OB-GYNE un ang sabi ng doctor para sa linguhang check-up ni Darling, ang aking Pinamamahal na Mahal sa Lourdes Hospital sa Sta.Mesa, Manila. Ok sabi ni Dr. Miriam Ramos ay 2cm na daw, hindi ko din alam kung ano ang ibig sabihin ng 2cm hehe pero dahil nagtanong ako, sinabi nila na mamayang gabi ay puwede nang manganak si Darling. Kapag pala ikaw ay manganganak dapat ay 10 cm ang buka ng iyong cervix. Dahil, alam kong malapit na sa katotohonan, bigla akong namutla, parang nakikita ng multo, yung tipong malamig ang pawis mo kahit sobrang lamig sa lugar in short mas natakot pa ako kesa kay Darling.
Parang wala lang ang lahat pinipilit kong maging relax ang aking pakiramdam pero the usual “Thank You Doc” ang aming sinabi pagkatapos ng check-up. Dahil inaabot na kami ng tanghalian ay kumain muna kami sa “Dice and Slice”(formerly known as In and Out Steakhouse) sa may Shaw. Blvd.
2:00 ng tanghali – Dumating na kami sa aming bahay at ipinagsabi na sa aming mga kamag-anak na puwede na siyang manganak, yung tipong umalohokan ang dating ko dahil magiging isang ganap na akong AMA. Pagkatapos ay nagpahinga muna kami at natulog upang kumuha ng lakas para sa isang umaatikabong labanan ng puyatan.
6:00 ng hapon – Nagising ako isang sa maingay na tunog, dahil hindi na ulit ako makatulog dahil nga kabado na ako, nagayos-ayos na ng gamit dahil medyo magulo pa ang aking kuwarto. Maya-may ay gumising na rin si Darling at tumulong sa pag-aayos ng mga gamit.
8:30 ng gabi – Dinner time na kaya kumain ulit kami, sabi sa akin ni Darling ay sumasakit na ang kanyang balakang, isang senyales na malapit na talagang lumabas ang amin baby. Nag joke pa ako, sabi ko “ Sige, pakainin mo lang, medyo nahihilo nako sa gutom eh”. Ilang minuto pagkatapos naming kumain ay Bingo Time na, pagtingin ni Darling sa kanyang underwear ay may dugo na siyang nakita. Dito talaga, namutla na ako at hindi na talaga mapalagay, pero dahil mabaho pa ako nung mga oras na yun ay naligo muna ako, buhos lang. Hehe.
On the way sa Lourdes Hospital. Malamig ang aking mga kamay habang si Darling ay relax lang at si Mama naman at ganon din. Medyo nakakatawa dahil habang kami ay nakikinig sa radyo sumakto pa na napakinggan naming ay “ I’m coming out… I want the world to see…” hinde ko alm yung kanta na iyon pero sabi sign na talaga to, hindi na aabot sa nasabing due date na March 9.
10:00 ng gabi – Deretso na agad si Darling sa OB-GYNE/Ultrasound Room, hindi naming alam na yun na pala wala nang paalaman akala ko ay che-checkup in lang siya, yun pala ay deretso na siya sa delivery room. Ni hindi man lang ako nakapag Good Bye Kiss at nasabing Goodluck and I LOVE YOU!
11:30 ng gabi – Nag dorbel ako sa OB-GYNE/Ultrasound Room para kamustahin si Darling, sumagot ang nurse at sabi na tulog siya. Kaya ang ginawa naming ni Mama at Tita Lot (mom ni Darling) ay pumunta sa aming nakuhang room para magpahinga. Siyempre, una kong ginawa ay uminom ng tubig at humiga sa kama tapos konting dasal na sana ay walang maging problema sa panganganak. Nanunuod muna ako ng tv, malas-malas at Sky Cable yung cable provider ng Lourdes Hospital, iniisip ko sana habang nag-aantay ay makakapanuod muna ako ng NBA Game/s sa Basketball Tv (Destiny Cable) para pampawala ng kaba at tensyon.
Lumipas ang ilang oras at bumalik ako sa OB-GYNE/Ultrasound Room para checkin ulit ang aking Mahal pero ganon pa rin daw pero malapit ng manganak dahil 6cm na daw, kaya ang ginawa ko ay pinilit ko ang nurse na kuhaan niya ng pictures ang panganganak ni Darling, dahil bawal akong pumasok sa loob ng delivery room. Mabuti naman at pumayag ang nurse na kunan ng litrato kahit bawal sa rules and regulations ng Lourdes Hospital dahil kung hinde baka nakuhaan ko na lahat ng dingding ng hospital.
Sinabi ng nurse na tatawagin na lang daw kami pag lumabas na ang bata, kaya bumalik ulit ako sa kuwarto para manuod ng tv. Medyo inantok na din ako ng mga oras na iyon, (2:30 am, Linggo) kaya pinilit kong matulog, awa ng Diyos naka-tulog din ako ng 30minutos, dahil tumawag na ang nurse at sinabing lumabas na si Baby Timothy Kobe, kaya kaming tatlo ay biglang bumalikwas sa pagkakahiga at agad-agad pumunta sa delivery room.
3:00 ng umaga Pebrero 24 – unang kita ko kay Timothy Kobe, lahat ng puyat at pagod ko ay biglang nawala, hindi ko talaga alam yung ganon feeling, yung tipong nakainom ka ng 2 Red Bull, 1 Lipovitan at 2 Alaxan FR, dahil nawala as in nawala yung pagod ko nang makita ko ang aking anak.
Pagkatapos nun ay ng text brigade na ako sa aking mga kaibigan at kamag-anak. Sumunod kong ginawa ay pumunta ako sa Dangwa sa Maynila para bumili ng bulaklak at tapos ay bumili mainit na pandesal pang agahan.
Pag balik sa Lourdes Hospital ay doon nakabawi na ako ng tulog at inantay na naming si Darling na ibalik sa kuwarto.
Umaga pa lang ay dagsa na ang mga bisita para makita si Baby T.K pero wala pa naman sa room ang baby kaya samut-saring kuwento muna ang pinagusapan.
Bandang alas-4 na ng hapon ng i-Room In si Baby T.K. kaya kaming lahat ay tuwang-tuwa na kasama na namin si T.K. Kaya walang patid ang kuha ng pictures ng mga bisita, kamag-anak at kaibigan.
At dito ko na tatapusin ang aking kuwento. Medyo nakalimutan ko na yung ibang nangyari. Lumabas kami ng Lourdes Hospital ay Pebrero 26, 2008, Martes.
Gusto ko lang magpasalamat ng taos puso sa lahat ng mga kaibigan, kamag-anak, kapuso, kapamilya na sumuporta, bumisita, at bumati sa text sa amin.
Salamat!!! Salamat!!!










Recent Comments