Hundred Islands Getaway

14 11 2007

Dahil nagkaroon tayo ng isang mahabang weekend noong undas ay sinamantala namen ang pagkakataon magliwaliw at pumasyal sa isa sa mga tourist spots ng Pilipinas ang pinaka natatanging Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan.

dsc02709.jpg height=
Turtle Island (looks like a turtle)

Hindi ko naisip na mapupuntahan ko ang lugar na ito, salamat sa mga sumama at nag-aksaya ng oras at pera hehe joke lang, pero super enjoy ang trip na’to.

Salamat sa tatlong pares na sumama sa pinsan kong si Tin at bf Jeff, Jeff and Edz, and Lizcel and Garry.

dsc02689.jpg height=
(L-R Jeff&Tin,Tan&Kat,Garry&Lizcel,Jeff&Edz)

Nagsimula ang aming mahabang biyahe alas 2 ng madaling araw, Nov. 2 tinahak namen ang kahabaan ng NLEX, ng-exit sa Dau at tuloy-tuloy ang biyahe. Inabot din ako ng limang oras sa pagdrive. Walang stop-over yun boy! hehe medyo mabagal ang aming takbo at ako ay nag-iingat sa pagmamaneho.

Dumating kami sa aming hotel “The Hundred Islands Resort and Hotel” o mas kilala sa tawag na THIROH sa barangay ng Lucap, Pangasinan pasado alas 7 ng umaga. Buti na lamang ay sinalubong kami ng mga crew ng THIROH at tumulong sa aming mga gamit para i-akyat sa aming kuwarto.

Pagkatapos kumaen ng agahan at mag-kodakan at pumunta na kami sa pantalan, ang Lucap ang jump-off place papuntang Hundred Islands. Sumakay kami sa bangka ni Manong Palito at tuloy ang biyahe. Ilang minuto lang ay makikita mo na ang mga islang lumulutang sa gitna ng dagat. Kung ating babalikan ang History ng Pilipinas, masasabing talagang dikit-dikit ang mga isla at ayon sa aking natutunan sa eskwela ay ang mga isla ay naghihiwalay dahil sa lindol (tama ba?) hehehe. Ayon sa aming bangkero at masasabing tour guide na rin na si Mang Palito, tatlo lamang sa napakadaming isla ang masasabing “developed”, ang Governor’s Island (kung saan may bahay si Kuya ng PBB), ang Children’s Island, at ang Quezon Island.

Ang una naming pinuntahan ay ang Quezon Island, magandang isla para sa akin, white sand, blue water ang beach at madaming tao. Kumpleto rin sa gamit, kaya nga developed diba, may mga bahay, tables for rent at kumpleto rin sa mga extra curricular activities na puwedeng gawin tulad ng kayaking at snorkeling.

dsc02731.jpg height=
Quezon Island

dsc02713.jpg height=
TK15

Pasado 1:30 ng hapon ay hinde pa kami sinundo ng aming magaling na bangkero dahil lipas na ang aming mga gutom tumambay na lamang kami at nagpicturan. 4 na ng hapon tska lang kami nasundo ng isang bangkero, nasira daw ang bangka ni Mang Palito. Lahat kami at nagdidilim na paningin sa gutom at dahil badtrip sa nangyare, naisipan na lang namen na bumalik at palipasin ang gabi. Bumawi na lang kami sa pagkain, inom at videoke.

Nang kami ay nasa hotel biglang sumulpot si Mang Palito, nag sorry at gustong bumawi sa amin, buti na lamang at hindi pa namen siya nababayaran kundi at malamang-lamang ay iyak-tawa lang kami sa nangyare. Napagusapan namen na bukas na lamang namen itutuloy ang naudlot na trip.

Sabado ng umaga at sa wakas ok na ang bangka ni Mang Palito, nagpunta kami sa Governor’s Island. Medyo ok na rin at nakaikot kami sa 2 isla na maayos, hindi rin kami nakapagswimming dahil madaming lumot ang dagat at tirik na tirik na ang haring araw.

Kaya ganito na lang ang ginawa ko. hehe

governors_island_18.jpg height=
Help Me!

Natapos ang trip bandang 10 ng umaga at kami at bumalik na ulit sa hotel para mag-impake.

Sa susunod ulit na biyahe ng aming dabarkads na Trip na Trip. Super enjoy ang trip at madami ulit akong natutunan.