Hataw sa Tag-araw!!!

28 04 2008

Isang linggo na ang nakalipas ng kami ay magpunta sa White Beach, Puerto Galera sa Oriental Mindoro para sa isang mabilisang bakasyon. Naging masaya naman ang aming lakad pero medyo madami nga lang talagang tao sa Puerto Galera, kala mo ay isang mega sale sa dami ng tao na yung tipong nagbubungan na kayo sa paglalakad. Naicip ko na para ka lang nagpunta sa ibang lugar na madaming tao, may buhangin, madaming ma-aangas ang itsura, madaming naka- shades, maraming sumasakay sa sikat na sikat na Banana Boat at mga naka swimsuit at boardshorts.

Nagulat lang ako sa taas ng presyo ng bilihin sa Puerto Galera, naicip ko parang mas mahal pa yata ang presyo dito kaysa sa Boracay. Malamang dahil peak season kaya sobra-sobra ang pagtaas nila sa presyo. Isa ko pang napansin ay halos lahat ng mga tao sa Galera ay iisa lang ang iniinom ang Tanduay mixed with food coloring hehe hula ko lang yun ang “Mindoro’s Sling”, marami ang nagsasabi na “traydor” daw ang Mindoro’s Sling, malakas daw ang tama lalo na kapag bigla kang tumayo para mag-jingle. Pero hindi ako naniwala dito, sa aming inuman session madami-dami din kaming nainom na kulay gamot na alak pero hindi ako tinamaan hehe, hindi ko sinasabing malakas ako uminom pero sa tingin ko binago na nga mga barista ang kanilang timpla kaya hindi na ganon kalakas ang tama nito.

Isa sa hindi ko malilimutan sa aking pagbalik sa Puerto Galera ay ang isang mama na nagiihaw ng mga hotdogs at barbeques. Hindi dahil sa masarap at mabango ang kanyang luto pero dahil sa kanyang pagalok sa amin akala mo ay isang call center agent sa diction at pronunciation ng kami ay napadaan sa kanyang ihawan at sinabi niya sa amin “Hi! Sir good evening Hotdogs and Barbeques” super nagulat talaga ako sa tono at pagkakasabi ng manong na ito, nabilib ako sa kanyang super slang an pagalok sa amin ng “Hotdogs and Barbeques”.

Linggo ng tanghali ng pack up pa kami at pabalik ng Manila, medyo sablay tong simula ng araw dahil ung bangka naming Commandos 8 ay super late, naka schedule ang aming pauwe pabalik sa Batangas Port ng 1pm pero dahil Pilipino Time ay pasado alas-2 ng hapon na dumating an gaming bangka, at super bagal pa ng biyahe inabot kami ng isang oras at kalahati sa biyahe.

Habang binabaybay naming ang kahabaan ng StarTollway sa Batangas ay biglang nagkaroon ng aberya sa aming biyahe, biglang sumabog ang likurang gulong (passenger side) sa hindi ko maipaliwagan na dahilan, hindi naman ganon kabilis ang aming takbo.Inabot lang din siguro ng malas. Kinabahan ako at unang kong naicip ang aking baby na si Timothy Kobe, hindi naming siya kasama sa bakasyong ito pero naicip ko pano na lang kung may nangyaring masama sa amin dahil sa aksidente. Magiging ulila agad siya, wag naman sana.

Maya-maya pa ay may dumating na pulis para tumulong sa amin magpalit ng gulong, lubos po ang aking pasasalamat kay Mr. Jaime Olan ng StarTollway Corporation, isang mabuting alagad ng batas na handing tumulong sa mga nangangailangan, Siyempre, sinubukan kong magbgay kahit pa meryenda para kay Bossing Olan, pero hindi niya ito tinaggap, ewan ko kung bakit. May mga mabubuting empleyado pa pala sa ating gobyerno.

Pagkatapos mapalitan ang gulong ay medyo binagalan ko na ang takbo kaya ginabi na rin ang dating sa aming biyahe. Malapit ng makauwe ng bahay ay inabot ulit ng malas, ngayon Traffic naman ang kalaban sa kalye ng C-5 dahil sa ginagawang pauso ni MMDA Bayani Fernando na Elevated U-Turn slot sa may Market! Market!.Super grabe ang traffic kahit linggo ay parang rush hour pa rin ang dating sa usad uod n trapik. Awa ng diyos ay halos 30 minutong trapiko lang an gaming inabot sa isang kantong pagitan.

Hindi pa ditto natapos ang araw ko dahil pagdating kop ng bahay ay nagpalit agad ako ng uniporme para maglaro ng Basketball sa Inter-Purok na liga. Dinatnan ko ang laro patapos na ang second quarter sa score na 46-22, siyempre kami yung tambak. Medyo magagaling kasi ang mga kakampi ko kaya ganon lamang agad ng iskor.

Marahil ito na ang pinakamasaklap na pagkatalo na narasan ko dahil natapos ang laro ay tambak kami ng SSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSUUUUUUUUUUUUUUUUUPPPPPPPPPPPPPEEEEEEEEEEERRRRRRRRRRRRR DDDDDDDDDDUUUUUUUUUUUUUPPPPPPEEEEEEEEERRRRRRRRRRRRRRRR laki na 75 points sa score na 125-50. Hindi ako makapaniwala pero ganon talaga ang laro minsan panalo minsan talo, pero ibang klase talaga tong pagkatalo na to, kaya sa susunod na laro namin pipilitin kong manalo kami. Kahit by 1 point lang ang panalo Ok na.

***********************************************************************


Actions

Information

Leave a comment