2008 NBA Madness Experience
18 07 2008Napadaan ako sa Glorietta nung nakaraang Biyernes para magpalipas ng oras at sa aking pakagulat meron pa lang NBA Madness Tour nung panahon iyon.
Dahil adik ako sa basketball at mahal ko ang NBA, tinanong ko yung isang crew kung paano ako makakasali sa mga pakulo ng event na ito, sinabi niya na hindi na daw puwede sa “2 Ball Contest” dahil patapos na yun, siyempre naman hindi din ako makakasali dahil mag-isa lang ako, pero pwede din siguro. Hehe.
Kaya tinanong ko na lang ulit siya kung saan games pa ako puwede sumali, at sumagot naman siya sa mini basketball shoot out na sponsored ng DHL, ang matinding kalaban ng FedEx. Medyo na excite ako dahil makakasali ako at naging interesado ako sa premyo na makukuha ko, isang ring maliit na mini-basket ball court. Ngunit biglang napawi ang saya ko dahil sabi ng isang crew doon hindi daw ako makakasali dahil kelangan daw dalawa ang registered, buti na lang mas biglang sumulpot na mama at sumigaw “Sige, pare sali ako para dalawa tayo”, at tuloy ang ligaya. Inaantay na lang naming ang aming time para masimulan na pero biglang sinabi ng crew na wag na daw kaming sumali, ang ginawa niya binigyan niya na lang kami agad ang isang piece sa kanilang mini puzzle para i-solved. Unang tanong ko agad sa kanya, “Brad, may prize ba kaming makukuha dito?” Sabi naman niya ay “Oo, sir pag nabuo niyo yan meron kayong premyo”.
Tuloy ang ligaya.
Pagkatapos nun ay kinilala ko na ung lalaki, siya daw si Al at sabi ko naman ako si Tan. Tanong pa niya, Instik daw ba ako? Haller?!? sabi ko sa sarili mukba ba akong Chekwa?hehe Sinagot ko na lang siya na pinaikling name ko lang yun sa Tristan.
Matapos yun ay hinanap naming ang mamang may sukbit na basketball sa likod para sa next step ng puzzle, madali naman naming nahanap si Boss Chief at binigay ang susunod na direction na sagutin ung isang tanong about sa NBA. Buti na lang at magaling din sa NBA si Al at siya ang nakasagot ng tama, kaya last step at na kami sabi ni Boss Chief ay punta daw kami sa True Value sa Park Square One, pasok sa loob nun at andun ung DHL para kunin ang aming premyo.
Habang papunta dun ay konting usap muna, chikahan muna kami ni Al, tanong ng mga trabaho at kung saan galing.
Sa wakas, nasa claiming area na kami ng DHL, pero may kaunting problema, ang inaasam-asam kong mini basketball court ay puwede lang pag isa ang kukuha, kung gusto namin tig-isa kami ng premyo, ang makukuha namin ay ang makulay na notepad ng DHL Express.
Siyempre, dumiskarte muna ako ng rason, sabi ko “Paano yan pare, pano gagawin natin? Parehas nating gusto to? Sagot naman niya ay sige jock en poy na lang daw kami, medyo natawa ako sa idea niyia pero sabi ko icip pa tayo ng iba. Alam kong parehas kaming interesado sa basketball court na yun kaya walang gusting magbigay, typical Pinoy na ugali pero siyempre kung notepad lang un ibibigay ko na un. Hehe Nakaicip pa siya ng isang paraan, toss coin na lang daw kami, pumayag agad ako at dali-daling sinabi na Heads ako.
Pag pitik ng piso, medyo kinabahan ako dahil ayokong masayang yung oras ko sa wala buti na lang ang lumabas ay Heads kaya akong ang nanalo, buti na lang at sport si Al at binigay sa akin ang mini-court. Hehe
Pagpirma sa claiming area, sabay shake hands kay Al at sabay sabi ng “Thanks Pare”.
Tuloy labas ng True Value na nakangiti at sabi ko sa sarili ko at naka-isa na naman ako at sumakay ng bus papuntang Crossing.
Salamat sa 2008 NBA Madness at mga sponsors lalong-lalo na sa DHL, mayroon na akong mini- toy na magagamit dito sa office ko pang-alis ng stress.
2008 NBA Madness Coveted Prize
Sa susunod ulit na NBA Madness.
Comments : No Comments »
Tags : 2008 NBA Madness Tour in Manila, Ayala Malls, Basketball, DHL Courier
Categories : All about Balls
2008 NBA Madness Tour
Recent Comments